Market hopping

Kasama ang aming pamprobinsyang chapter sa La Union na Timek ken Namnama dagiti Babassit a Mangngalap ti La Union – TIMEK, naglunsad kami ng market hopping para i-monitor ang presyo ng galunggong sa gitna ng pagpasok ng nasa 35, 000 metriko toneladang isda ngayong buwan.

Sa kasalukuyan ay pumapalo pa rin sa P220-P240 kada kilo ang galunggong.

Kaya malinaw na walang katotohanan ang sinasabing bababa ang presyo ng isda sa pagpasok ng mga imported dahil mga komersyante pa rin naman ang nagtatakda ng presyo sa merkado.

Sa katunayan, ang presyo ng farm gate lamang ang higit na bumabagsak dahil ginagawang batayan ng mga trader ang mababang presyo ng mga imported at bilasang isda para baratin ang ating mga mangingisda.

Kaya parehong talo ang mga lokal na mangingisda at ordinaryong consumer sa mga patakarang ito.